SA edad na 51, pumanaw na ang Jukebox Idol ng ‘Pinas na si April “Boy” Regino.

april boy

Kinumpirma ang malungkot na balita ng kanyang kapatid, na Vingo, sa pamamagitan ng isang Facebook post.

“Nakakalungkot naman ang araw na ito… wala na ang kuya april boy ko…,” ayon sa post.

Tsika at Intriga

'It was a nightmare!' Neri Miranda, nagsalita tungkol sa pinagdaanan niya

Agad namang bumuhos ang mensahe ng pakikiramay mula sa mga netizens.

Nakilala si Abril Boy sa mga hit song nito tulad ng Paano Ang Puso Ko, Di Ko Kayang Tanggapin, Umiiyak Ang Puso, Tanging Hiling, Ye Ye Vonnel, Kahit Kaibigan Lang, at marami pang iba.

Taong 2009, nang ma-diagnosed si April Boy na may prostate cancer at diabetes. Noong 2015, na diagnosed ito sa diabetic retinopathy na naging dahilan ng pagkawala ng paningin ng kanyang kaliwang mata.

-NEIL PATRICK NEPOMUCENO