Usap-usapan ang pilyang komento ni Kapamilya actress Janella Salvador sa social media post ng rumored partner niyang si Kapuso actress Klea Pineda.
Sa isang TikTok post kasi ni Klea kamakailan, ibinahagi niya ang video habang nagpapaderma ng mukha si Janella sa aesthetic clinic ni Dra. Vicki Belo.
“Currently unlocking a new skill: PATIENCE Naaaah just here supporting her glow-up hehe buti na lang may pa-kape si madam!” saad ni Klea sa caption.
Komento naman ni Janella, “[M]agpapakain rin ako. I gotchu.”
“NG LUNCH. SA RESTAURANT,” dugtong pa niya.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang komentong ito. Narito ang ilan sa kanilang hanash:
"parang hindi lunch ma"
"wow thank you for the clarification?? hahaha"
"HAHAHAHAHAHA buti nadugtungan"
"Yung gulat ko may halong kilig na may halong tawa talaga"
"Yuuuun!! thankyou Ma nilinaw mo."
"lunch daw hard lunch HAHAHHAHA"
"nagulat ako HAHAHAHAHHAHAHA"
“mhm yes maam we need that confirmation "”
Bagama’t wala pang opisyal na kumpirmasyon, matatandaang sa isang social media post noong Disyembre 2025, tila pasimpleng ipinahiwatig ni Janella ang status ng relasyon nila ni Janella.
Basahin ang buong ulat: ‘I’m home!’ Janella, Klea opisyal na nga bang mag-jowa?
Nagsimulang maugnay si Klea kay Janella noong nagkasama sila sa pelikulang “Open Endings.” In fact, pinagsuspetsahan pa ngang may kinalaman ang huli sa breakup ni Klea at ng ex-girlfriend nito.
Ngunit nauna nang pinabulaanan ni Klea na wala raw nangyaring third party. Sabi naman ni Janella, “Kung ano 'yong nakikita n'yo, 'yon na 'yon.”
Maki-Balita: Hindi raw third party: Janella kay Klea, 'Kung ano nakikita n'yo, 'yon na 'yon!'