July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

Klase ng paaralan sa Batangas City, naunsyami dahil sa banta ng pamamaril!

Klase ng paaralan sa Batangas City, naunsyami dahil sa banta ng pamamaril!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Napilipitang magsuspinde ng on-site classes ang isang paaralan sa Batangas City mula ngayong Lunes, Hunyo 29, 2026, sanhi ng natanggap nilang banta ng pamamaril. 

Sa inanunsyong pahayag ng Batangas City Integrated High School (BCIHS), sinabi nilang hindi muna sila magsasagawa ng on-site activities magmula Hunyo 29 hanggang sa tanggalin nila ang epektibidad ng kanilang desisyon. 

Photo courtesy: BCIHS. 

Anang BCHIS, layunin daw nila na masigurado ang kaligtasan ng lahat ng kanilang mga mag-aaral, mga guro, non-teaching staffs, mga magulang, at iba pang miyembro sa komunidad ng kanilang paaralan. 

Dahil dito, mariing pinaalalahanan ng BCIHS ang mga nabanggit na huwag pumunta sa kanilang paaralan habang umiiral ang suspensyon ng kanilang mga klase. 

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

“This precautionary measure is being implemented to ensure the safety and security of all learners, teaching and non-teaching personnel, parents, and other members of the school community. Everyone is advised not to enter or proceed to the school premises while the suspension remains in effect,” anila. 

Pagpapatuloy ng BCIHS, nakikipag-ugnayan na raw sila sa mga awtoridad upang lutasin ang naturang isyu. 

Hinikayat naman ng pamunuan ng BCIHS ang mga kawani at konektado sa paaralan na manatiling kalmado, huwag magpakasal ng mga hindi beripikadong impormasyon, at maghintay sa mga ilalabas pa nilang anunsyo. 

“Learners, parents, and personnel are requested to remain calm, refrain from spreading unverified information, and rely only on announcements released through the official communication channels of BCIHS,” anila. 

Dagdag pa nila, “Further updates regarding the resumption of classes will be issued as soon as the situation has been properly assessed and the safety of the school community has been ensured.” 

Diin naman ng BCIHS, agad daw na makipag-ugnayan sa kanilang ang mga indibidwal na makakakita at makakatanggap ng mga kahina-hinalang mensahe at aktibidad sa naturang paaralan. 

KAUGNAY NA BALITA: Menor de edad, namaril sa eskwelahan sa Tacloban City; 3 estudyante, todas!

KAUGNAY NA BALITA: 2 estudyanteng menor de edad, nahulihan ng baril, patalim sa loob ng eskwelahan sa Aparri