Inirekomenda ng Philippine Pediatric Society (PPS) sa publiko na hindi raw dapat gumagamit ng social media ang mga batang edad 16 pababa nang walang gabay.
Sa isang Facebook post ng Philippine Society for Developmental and Behavioral Pediatrics (PSDBP) noong Biyernes, Hunyo 26, kinatigan nila ang posisyon ng PPS kaugnay sa paggamit ng mga menor de edad ng social media.
“As specialists in child neurodevelopment and behavior, PSDBP members are among the clinicians who directly observe and manage the consequences of unregulated social media use in young patients,” saad ng PSDBP.
Ayon sa grupo, ang anxiety, emotional dysregulation, sleep disturbance, at paglala ng ugali ay kabilang sa mga nasasaksihan nilang resulta sa mga batang sobra-sobrang komokonsumo ng social media.
“These are not theoretical risks but clinical realities documented in our consultation rooms daily,” dugtong pa nila.
Kaya naman ang mungkahi ng PPS na hindi raw dapat nagkakaroon ng “unsupervised social media access” ang mga batang edad 16 pababa ay tumutugma sa ebidensya ng neurodevelopmental at sa kung ano ang nasasaksihan nila sa kanilang mga pagsasanay.
Dagdag pa nila, “PSDBP affirms that the protection of children in digital spaces is a shared responsibility — among families, schools, health professionals, platform developers, and policymakers.”
Matatandaang muling umugong ang usapin tungkol sa restriksyon ng social media sa mga kabataan dahil sa nangyaring shooting incident sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City noong Lunes ng umaga, Hunyo 22, na ikinasawi ng tatlong estudyante.
Kamakailan lang ay kinuwestiyon ni Sen. Robin Padilla ang pangangailangang suriin ang epekto ng internet sa pagiging mapanganib ng kabataan sa kasalukuyan.
Isa si Padilla sa mga nagsusulong ng panukalang batas na nagbabawal sa mga menor de edad na gumamit ng social media platforms.
Maki-Balita: Radicalization ng internet sa kabataan, ‘di na kailangang pag-aralan?—Sen. Robin