KUMUSTA na nga ba ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres after ng hiwalayan blues ng kanyang ex-boyfriend, ang Kapuso hunk actor na si Derek Ramsay?
Well, bisi-bisihan lang naman ngayon si Andrea. Sa katunayan gumanap siyang maybahay na nambubugbog ng kanyang mister sa Magpakailanman ng GMA-7. Challenging ang naging role niya rito at talagang may ibubuga siya sa pag-arte.
Sa panayam sa kanya sa Chika Minute ng 24 Oras. Ipinagdasal daw niyang maging loaded siya ng trabaho. Hindi naman siya nabigo dahil mayroon siyang gagawing drama series na Legal Wives. Good thing para na rin makalimutan niya ang naunsiyaming relasyon kay Derek. Ani Andrea, “Actually dinasal ko ito. Sabi ko gusto ko nang magtrabaho, sana maraming trabahong pumasok. Ilang days from now po aalis na ako para mag-lock in sa “Legal Wives.”
Bagamat malamig ang magiging Pasko ni Andrea ngayon. Hangad daw niya itong Pasko maging healthy ang pamilya niya at magsama sama silang lahat.
Samantala sa picture na ipinost ni Andrea sa kanyang Instagram. Gandang ganda ang mga kapwa niya celebrities sa aura ni Andrea. Aba’y hitsurang hindi dumaan ng breakup? Fresh na fresh ang datingan ng aktres. Yun nga lang laglag si Derek sa mga negatibong komento ng mga netizens ukol sa aktor. Ang simpatiya nila ay na kay Andrea. Yun na!
-DANTE A. LAGANA