DAHIL sa malaking potensiyal na ipinapakita nito at sa pinakahuling tagumpay sa junior ranks, ikakampanya ng Samahang Weightlifting sa Pilipinas (SWP) si Vanessa Sarno upang maging wildcard entry sa darating na Tokyo Olympics.

Tubong Tagbilaran, Bohol, ang 17- anyos na si Sarno ay nagwagi ng dalawang gold at dalawa ring silver medals noong nakaraang taong Asian Youth Weightlifting Championships sa North Korea.

At kamakailan lamang ay kumulekta sya ng tatlong gold medals sa International Weightlifting Federation Online Youth World Cup.

Ito ang dahilan kung kaya nagdesisyon si SWP president Monico Puentevella upang mag-bid para maging wild card entry si Sarno sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

National

External debt service burden ng Pinas, pumalo sa $17.16B noong 2024

“She’s about the same age as Hidilyn when she first competed in Olympics in 2008,” ani Puentevella na sisikaping gamitin ang kanyang impluwensiya bilang dating Asian Weightlifting Federation president upang makamit ang nasabing pabor.

Naniniwala si Sarno na nararamdaman nyang kaya pa nya na malagpasan o ma-improve ang kanyang record na naitala sa 71 kilogram noong nakaraang Online Youth Cup partikular sa snatch na 93 kilograms dahil.sumali sya sa kompetisyon na walang maayos na training dahil sa lockdown.

-Marivic Awitan