Kinansela ng Commission on Elections (Comelec) ang voter’s registration sa bansa sa Nobyembre 30 at Disyembre 8.
Sa isang public advisory, sinabi ng Comelec na ito ay bilang paggunita sa Bonifacio Day, na isang regular holiday at ginugunita tuwing Nobyembre 30 at Immaculate Concepcion sa Disyembre 8, na isang special non-working holiday.
Ang naturang anunsyo ay base na rin sa Presidential Proclamation No. 845.
Maliban naman sa voter’s registration ay wala ring mga transaksyon sa publiko na magaganap sa alinmang opisina ng Comelec sa buong bansa, kabilang na ang pag-iisyu ng voter’s certitification.
Mary Ann Santiago