TULOY at walang dahilan para mabinbin pa ang eleksiyon ngayon sa Philippine Olympic Committee (POC) – anuman ang paraan na puwedeng magamit – para makalahok ang lahat ng 56 voting members.

Nagsagawa ng General Assembly meeting kahapon para sa huling pagkakataon ang POC at kabilang sa isyung tinalakay ay kung papayagan ang virtual voting o email para sa mga hindi makararating para personal na bumoto.

““We’ll consider all possible options like sending ballots via courier in advance or online voting,” pahayag ni Atty. Teodoro Kalaw IV, chairman of the POC election committee sa isinagawang Zoom meeting nitong Lunes.

Anuman ang karagdagang detalye matapos ang GA, sinigurado ni Kalaw na maipapatupad ang mahigpit na ‘safety and health’ protocol sa venue sa East Ocean Palace Restaurant sa Paranaque City.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Maglalaban para sa panguluhan sina incumbent POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng cycling at Clint Aranas ng archery federation.

Kabilang sa tiket ni Tolentino sina Al Panlilio ng basketball at Ormoc Mayor Richard Gomez (first at second vice president); Tom Carrasco ng triathlon (chairman); Chito Loyzaga ng baseball (treasurer); Cynthia Carrion ng gymnastics (auditor), habang board member sina Pearl Managuelod ng muay thai at Dave Carter ng judo.

Binubuo naman ang grupo ni Aranas nina Philip Juico ng athletics at Ada Milby ng Rugby (first at second VP); Steve Hontiveros ng bowling (chairman); Julian Camacho ng wushu (treasurer); Monico Punetevella ng weightlifting (auditor) Robert Bachmann (squash), Charlie Ho (netball), at Robert Mananquil (billiards) bilang board members.