Ibinunyag ni Meghan Markle na nakunan siya noong Hulyo ng taong ito, nagsulat sa New York Times nitong Miyerkules tungkol sa matinding kalungkutan at pagkawala na tiniis niya kasama ang kanyang asawang si Prince Harry.
Ang Duchess of Sussex, na nagpakasal sa prinsipe ng Britain noong 2018, ay isinilang ang unang anak nilang mag-asawa na si Archie, nang sumunod na taon.
Sa artikulo sa Times, isinulat ng 39-taong-gulang na kapapalit lamang niya ng diaper ni Archie nang maramdaman niya ang matinding cramp at napaupo sa lupa. “I knew, as I clutched my firstborn child, that I was losing my second,” isinulat niya.
Nagsulat tungkol sa “unbearable grief” ng pagkalaglag ng bata, sinabi ni Markle na ito ay isang usapin na nanatiling “taboo, riddled with (unwarranted) shame, and perpetuating a cycle of solitary mourning.”
Nakatira ang mag-asawa kasama ang kanilang anak na lalaki sa California.
Isinulat ni Markle na noong Hulyo ay napagtanto niya - habang kino-comfort siya ni Harry sa ospital kasunod ng pagkalaglag - na “the only way to begin to heal is to first ask, ‘Are you OK?’
Nasa pagitan ng sampu at 15 porsyento ng mga nalamang pagbubuntis ay nagtatapos sa pagkalaglag, ayon USmother and childcare non-profit na March of Dimes.
“Some have bravely shared their stories; they have opened the door, knowing that when one person speaks truth, it gives license for all of us to do the same,” sinabi ni Markle.
AFP