After almost four years, ibinahagi ng aktor na si John Lloyd Cruz ang dahilan kung bakit pinili nitong pansamantalang mamahinga sa showbiz.
Sa online show ni na The Best Talk , ipinaliwanag ng aktor ang dahilan ng kanyang pamamahinga. Boy Abunda
Paliwanag ni Jon Lloyd, “Parang kailangan muna huminto at magnilay-nilay. Kailangan medyo dumistansya, parang gusto mong maging... para malagyan mo ulit, kailangan mo muna ubusin, something like that.”
Sunod na tanong ni Tito Boy, “Napagod ka? I don’t mean, physical na pagod.”
“At one point you realize na sobrang iksi pala ng buhay at gusto mo lang, somehow you realize na kailangan mo pala bigyan ng halaga at atensyon ‘yung mga bagay na hindi mo pwedeng ikaila.. Parang hindi mo siya made-deny eh, kailangan mo siyang gawin, otherwise parang tingin ko ayaw ko naman tatanda na magtataka ako na paano kong sinubukan ko ulit,” aniya.
Inamin ni John Lloyd na napagod siya sa pagtatrabaho.
“Nakakaubos iyong dine-demand ng ganitong trabaho, and bilang creator gusto mong makapagbigay lagi ng something worth their time. And kung ubos ka, medyo mahihirapan kang ma-deliver iyon kasi wala nang bagong laman iyong utak mo... Wala ka nang maibibigay na tingin ko is worth their time kung sino man yung sumusunod sa’yo. Kumbaga nakakahiya na lang din,” paliwanag ng aktor.
Hindi rin naiwasang matanong kay Lloydie ang lagay ng kanyang buhay lalo’t hiwalay na ito kay Ellen Adarna kung saan siya nagkaanak, si Elias.
“Wala nang kasing saya. Wala na yatang mas liligaya pa pagkamayroon kang maliit na anak, na two years old na ang kulit. Wala nang kasing saya. Ang lupet. My little savior,” proud na tugon ni John Lloyd.
-Ador V. Saluta