Iniutos na ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na tugisin ang mga illegal logger at may-ari ng mga minahan sa buong bansa, partikular sa mga lugar na hinagupit ng magkakasunod na bagyo.

Partikular na inatasan ni Año si PNP chief Gen. Debold

Sinas kung saan ibinillin nito na mahigpit na pagtuunan ng pansin ang mga lugar na binaha dulot ng bagyong Quinta, Rolly at Ulysses, lalo na sa Cagayan, Isabela at sa Bicol.

Tinukoy ng DILG ang naranasang pagragasa ng lahar mula sa Mayon Volcano nang manalasa ang super typhoon Rolly sa Luzon, partikular sa Albay, at isinisi ng mga residente ang isinasagawang ‘quarrying’ sa lugar.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

-Jun Fabon