Natupadang matagal nang request ng fans nina Julie Anne San Jose at Rita Daniela ng The Clash Season 3, na mag-duet sila bago magsimula ang contest proper noong November 15.
Trending ang pag-awit nila ng All I Want For Christmas Is You, na binigyan nila ng jazz twist ang holiday song ni Mariah Carey. Hindi lamang iyon, complete with flapper dresses ang mga suot nila, kaya say ng isang netizen, “Total performers indeed! JulieRit did a great job! Just amazing!”
Matatandaan na sina Rita at Julie Anne ay parehong produkto ng singing contest na Popstar Kids ng GMANews TV noong 2005.
Si Rita ang naging winner at runner-up si Julie Anne pero nabuo noon ang Sugarpop group na kasama nila ang iba pang finalists. Ngayon, isa sa bumubuo ng Top 12 Clashers, ay isa sa kasama nila noon sa Sugarpop, si Cholo Bismonte.
Si Julie Anne, kasama si Rayver Cruz ang The Clash hosts at si Rita naman, kasama si Ken Chan ang The Clash Journey hosts. Kasama nila ang The Clash Panel na binubuo nina AiAi delas Alas, Christian Bautista and guest judge Pops Fernandez.
Magsisimula na ang laban ng Top 12 Clashers this weekend sa GMA-7. Sa Saturday, at 7:15PM, at Sunday, 7:45PM.
Nora V. Calderon