Isa pang pulis na nakatalaga sa Central Mindanao Regional Police Office ang naiulat na binawian ng buhay matapos tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP-Health Service, ang nasabing alagad ng batas ay ika-25 na binawian ng buhay sa hanay ng pulisya.

Naiulat din ng pulisya ang 24 bagong kaso ng nasabing virus, kalahati sa kanila ay galing ng Ilocos region.

Sa huling talaan ng pulisya, nasa 7,758 kabuuang pulis ang nahawaan ng nasabing sakit sa buong mundo.

Tsika at Intriga

'Great leader is a man who can lead his family:' Robin, Aljur sapul sa hanash ni Kylie?

Paliwanag naman ni PNP spokesman Brig. Gen. Ildebrandi Usana, mataas pa rin ang recovery rate dahil nakarekober na ang 7,338 pasyente sa naturang bilang.

-Aaron Recuenco