Inispluk ng Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual ang dahilan kung paano niya nabingwit ang puso ng kaniyang mga faney.
Sa latest episode ng “Matteo G Primetime” noong Sabado, Abril 18, sinabi ni Piolo na authenticity umano ang susi para mahalin ng tao.
“Authenticity for me is key, and being real, candid, and being true to yourself,” saad ni Piolo.
Dagdag pa niya,”I think the most important things, for people to relate with you to be attached because if you're hiding something, or you know, putting up a facade, it'll only go on for a short time."
Ayon sa Ultimate Hearthrob, simula’t sapul nang pumasok siya sa industriya, lagi na niyang sinasabi sa sarili na ipapakita niya sa publiko ang totoong siya.
“At least wala kang ibang character. You know, I’m myself on and off camera,” dugtong pa ni Piolo.
Sa kasalukuyan, tatlong dekada na si Piolo sa showbiz ngunit hindi pa rin siya nawawala sa limelight.
Sa katunayan, suki siya sa mga nakalipas na Metro Manila Film Festival. Ilan sa mga pelikulang kinatampukan niya ay ang “Mallari” (2023), “The Kingdom” (2024), at “Manila’s Finest” (2025).