MAY comment si Kris Aquino sa post ni Angel Locsin bilang reaction sa depensa ng DepEd sa pamba-body shame kay Angel ng isang guro na ginawa siyang example sa module na ginawa nito.
“I understand mahirap ang trabaho ng mga guro at kadalasan hindi sapat ang sweldo... pero ang budget ng DepEd ay galing sa mga Pilipino, mga nagtatrabaho at nagbabayad ng buwis ang nagbibigay pondo para sa DepEd, in other words- lahat tayo stakeholders dito... kaya may mali kung isang likas na matulungin sa kapwa ang “paglaruan” in rhe guise of “pagtuturo”... yes, we live in a democracy and that teacher has the right to exercise the same rights all of us have the right to free speech... but in this instance- the person in authority (the teacher) is playing a significant role in shaping the values and character of his/her students... in the statement humihingi to spare the said individual from “attacks”- eh sino ba ang nagbanggit ng pangalan? Kanino ba nanggaling ang pailalim na banat? Nasa TAMA si Gel na ipaglaban ang dignidad nya...sir/ma’am- kung mamemersonal po-open naman ang comments ni Angel sa IG & Twitter nya. Kahit hindi po kagandahan ang opinion tungkol sa kanya at least sa mas angkop na “forum” in-express. @therealangellocsin kagaya ng paulit ulit kong sinasabi sayo, hanga ako sa tatag at tapang mo. Isang sobrang higpit na yakap galing sa ate mong nagmamahal.”
Nagpasalamat kay Kris ang supporterss at followers ni Angel sa Instagram.
-Nitz Miralles