INABUTAN pala ng Bagyong Ulysses sina Vice Ganda at kanyang mga kaibigan sa Polilio, Quezon, kung saan sila nagbakasyon kamakailan.
Lubos naman ang pasasalamat ng komedyante dahil ligtas silang lahat sa kabila ng matinding pananalasa sa lugar ng bagyo.
Sa Twitter, ibinahagi ni Vice na napilitan silang mag-evacuate mula sa kanilang first villa patungong Balesin Island matapos itong was akin ng matinding hangin at ulan sa gitna ng pananalasa ng Ulysses. “At bumagsak ang mga puno sa paligid namin.”
Ayon pa kay Vice, sa second villa, walang kuryente at tubig, dahilan para muli silang lumipat.
Pasalamat na lamang ang grupo dahil tuluyan naring kumalma ang bagyo.
Sa isa pang tweet, hinikayat ng It’s Showtime host ang kanyang mga fans na i-retweet ang post na naglalaman ng emergency numbers. “Let’s just make sure the numbers are legit. If there were wrong numbers that I retweeted pls feel free to correct.”
-STEPHANIE BERNARDINO