July 14, 2026

Home BALITA National

VP Sara, walang 'bad reaction' sa naganap na day 2 ng impeachment trial!

VP Sara, walang 'bad reaction' sa naganap na day 2 ng impeachment trial!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Ibinahagi sa publiko ng tumatayong spokesperson ng defense team na si Atty. Michael Poa na wala naman daw naging pangit na reaksyon ang kliyente nilang si Vice President Sara Duterte sa natapos na ikalawang araw ng Senate impeachment trial noong Martes, Hulyo 7, 2026. 

Sa naging pahayag ni Poa sa ikinasa niyang press briefing sa Senado nitong Miyerkules, Hulyo 8, kinuwento niyang magkausap daw sila noong gabi ng Martes at wala naman daw siyang nakita naging masamang reaksyon ni VP Sara. 

Ani Poa, lagi pa nga raw nagpapasalamat si VP Sara sa mga miyembro ng Defense team sa paggampan nila sa kanilang trabaho bilang mga abogado. 

“Magkausap kami kagabi. Wala naman siyang naging any bad reaction. In fact, she just always keeps on thanking the defense team for doing our job,” pagsisimula niya. 

Diin ni Poa, kapuwa rin daw kasi nilang abogado si VP Sara kaya raw alam niyang naiintindihan nito ang mga nangyayari sa loob ng isang Court proceedings. 

National

Sen. Marcoleta naka-wheelchair, bullet proof vest pagdating sa UP-PGH!

“Alam n’yo, abogado rin kasi ang ating Bise Presidente. So, I guess, naiintindihan niya ‘yong mga Court proceedings,” saad niya. 

“Wala naman po siyang naging issues,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, gumugulong na ang ikatlong araw ng Senate impeachment trial laban kay VP Sara Duterte, kung saan sina Atty. Carlo Narvasa mula sa defense team, at Atty. Amando Ligutan mula sa prosecution ang magkaharap sa Korte. 

Tinatalakay nila ang tungkol sa Article IV ng Articles of Impeachment kung saan sumesentro ito sa mga alegasyong pagbabanta umano ni VP Sara sa buhay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., First Lady Liza Marcos, at Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez. 

KAUGNAY NA BALITA: KILATISIN: Si Atty. Carlo Narvasa ng defense team

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Si Atty. Amando Virgil Ligutan ng prosecution team