HIGIT 80 porsiyento ng US drugmaker Pfizer’s coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ang nabenta na sa pinakamayayamang bansa sa mundo, ayon sa pagtataya ng isang UK-based campaign group.

Sa analysis ng Global Justice Now, lumalabas na higit 1 bilyong doses ang nabili na ng mayayamang pamahalaan, na kumakatawan lamang sa 14 porsiyento ng global na populasyon.

Kabilang sa mga malalaking bumili ang European Union na may 200 million doses at may opsyong pang dagdagan ng higit 100 million, ang United Kingdom na may 40 million, at ang United States na may 100 million at may opsyong bumili ng panibagong 500 million, ayon sa grupo.

Nitong Lunes, inansiyo ng Pfizer na nasa higit 90 porsiyento ang kabisaan ng kanilang coronavirus vaccine upang makaiwas sa COVID-19, na nagpapataas ng pag-asa na malabanan ang nakamamatay na sakit.

Sinabi ng kumpanya na mapo-produce ito ng 1.3 billion dosesng bakuna, katuwang ang German company na BioNTech, sa pagtatapos ng 2021.

“Pfizer is likely to offer some doses to developing countries in the coming weeks through the global COVAX Facility, but these are likely to represent a small fraction of the vaccines produced,” ayon sa campaign group.

Nabanggit din sa analysis na bagamat isinusulong ang patas na distribusyon ng bakunang malilikha, binabalewala ng mga malalaking bansa ang panawagang ito sa pamamagitan ng malakihang pagbili.

“On the one hand, the British government is helping limit supply of these drugs by insisting on global patent rules that prevent countries producing their own generic vaccines,” pahayag ni Nick Dearden, director ng Global Justice Now.

Gayunman, ayon kay Dearden, patuloy na binibili nito ang limitadong suplay, kaya’t maaaring wala nang matirang bakuna para sa mga papaunlad pa lamang na bansa.

“You couldn’t get a clearer example of how unequal the pharmaceutical system is – some make billions of pounds, while many others die because they cannot afford treatments or there are no more left for them to buy. It’s got to change,” aniya.

Saad pa ni Dearden, “unless we break the stranglehold of these massive corporations over our medicines, the injustice will continue.”

“It is imperative that we end the vaccine nationalism and that sufficient supply is made available to all, on a fair basis, as a matter of urgency. That can be helped by supporting governments like South Africa and India who are trying to suspend intellectual property rules at the WTO (World Trade Organization) during this global emergency,” aniya.

Anadolu