PRIORIDAD ng National Academy of Sports (NAS) ang maipatayo ang eskuwelahan para sa mga future athletes ng bansa sa Agosto 2021.

“The government is eyeing to start school (year) in August next year. But the selection, the identification, the admission will come in two months earlier,” pahayag ni NAS executive director Josephine Joy Reyes.

Ayon kay Reyes, hinihintay lamang nila ang approval sa proposed budget ng NAS upang makapagsimula na sila ng pagpapatayo ng mga classrooms, dormitoryo at iba pang mga pasilidad.

Ang school building ay ipapatayo sa will New Clark City, ang venue ng nakaraang 2019 Southeast Asian Games.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Noong nakaraang Hunyo, nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na lilikha sa National Sports Academy na magbibigay ng secondary education na may special curriculum sa sports para sa mga potensiyal na mga kabataang atleta.

Tatanggap sila ayon kay Reyes ng mga incoming Grades 7 to 12 maging mga PWD o persons with disabilities.

“Open siya (NAS) for all, kasama dito yung mga persons with disability,” wika pa ni Reyes.

Maghahanap aniya sila ng mga student-athletes na may “physiological attributes,” at “skills,” ngunit hindi pa tiyak kung anong sport ang nababagay sa kanila.

Mas bibigyan nila ng pagkakataon upang makapasok sa NAS yung mga nag-excel sa local sports competitions kabilang na ang Palarong Pambansa.

-Marivic Awitan