Nasa Colombia ngayon si 2018 Miss Universe Catriona Gray para mag-judge sa Miss Columbia 2020 at in-announce niya sa Instagram ang pagdating sa nasabing bansa.
May mga nam-bash kay Catriona at nagtatanong kung bakit nasa ibang bansa siya habang binabagyo ang Pilipinas?
“Cat, why are you in Columbia instead of helping your own province deal with the typhoon? I have always bee fan but especially with travelling during a pandemic? What example does taking this job send to everyone?”
Sumagot si Catriona na, “this invitation was extended months ago and even though I’m away, I’ve been doing my part in working with @philredcross since the day of the typhoon to provide aid and relief to the affected areas. Thanks for your concern.”
May nagpaliwanag din sa netizen na nagtanong na hindi bakasyon ang travel ni Catriona and in fact, for a cause din ‘yun para sa Smiletrain.
Kahit may konting kontrobersya ang pagpunta sa Colombia, warm welcome ang sumalubong kay Catriona sa kanyang pagdating.
“How it feels to be (finally) here in the beautiful country of Columbia! Gracias! Thank you for the warm welcome,” sabi ni Catriona.
-NITZ MIRALLES