Si Janine Gutierrez ang nanalong best actress sa katatapos na 43rd Gawad Urian Awards para sa pelikulang Babae at Baril. Pinost ni Janine sa kanyang Instagram page ang poster ng movie na kung saan ay nakasulat din ang iba pang nap­analunan ng pelikula.

janine

Kabilang sa nasungkot ng Ba­bae at Baril ay ang best director for Rae Red, best cinematography for Tey Clamor, best editing for Ilsa Malsi, at best production

design for Erro Francisco.

Events

'KathVid?' Pagsulyap ni David Licauco kay Kathryn Bernardo, kinakiligan

Caption ni Janine, “TEAM BA­BAE AT BARILAT GAWAD URI­AN. Maraming maram­ing salamat sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino for acknowledging ev­erything were trying to achieve with this film for Filipina women. So honored and humbled and grateful to be part of team #BabaeAtBaril!!! Hindi man tayo nakada­lo sa New York at Osaka, ibang klaseng karan­galan ang mapansin ng ating Gawad Urian (at para sa akin, mapasama sa hanay ng mga artistang matagal ko nang hinahangaan.

Sa bumubuo ng peli­kula, I look up to all of you IMMENSELY!!! Congratu­lations @raeredcc @bianca­balbuena @ianabernardez @teyclamor @eeroyves. Iba kayo!!! Congratulations.”

Isa sa nag-congratulate kay Janine ay ang boyfriend niyang si Rayver Cruz at ang sabi, “Gawad Urian 2020 Best Actress” super proud of you more to come yan lista mo na hehe.”

-Nitz Miralles