Kailanman, ayon kay Ruffa Gutierrez, ay hindi naging sakit ng ulo ang kanyang mga dalagitang anak na si Venice at Lorin. Soon they will be grown-up at magkakaroon ng sariling mundo.
“Pareho silang homebodies. Kung lalabas man ay alam ko kung sino ang kasama nila. Lagi kong sinasabi that boys should visit them at home at kung natatakot sila sa akin. It means they are not sincere. Looking back ay na-appreciate ko kung paano ako pinalaki ni mommy. Matapang at inaaway ang lahat ng lumigaw sa akin. Every relationship taught me something,” pagtatapat ni Ruffa.
Nasa cast ng The House Arrest of Us si Ruffa bilang mother ni Kathryn Bernardo na dating beauty queen who owns a chain of beauty salons. Tinanggap niya dahil maganda ang project at happy na makatrabaho ang superstars ng ating henerasyon.
-REMY UMEREZ