July 11, 2026

Home BALITA

Marcoleta, ‘di dapat nakakulong—Sen. Imee

Marcoleta, ‘di dapat nakakulong—Sen. Imee
Photo Courtesy: Screenshot from Imee Marcos (FB), MB File Photo

Iginiit ni Sen. Imee Marcos na hindi raw dapat nakapiit ngayon si Sen. Rodante Marcoleta.

Sa isang video statement ni Sen. Imee nitong Sabado, Hulyo 11, sinabi niyang nalulungkot umano siya na nasa kulungan ngayon ang kapuwa niya senador.

“Hoy, ang lungkot ko kay Senator Marcoleta, si Manong Dante. Dapat hindi nakakulong 'yon. Magbi-birthday pa mandin 'yong tao. Magse-seventy-three siya sa July 29, sa katapusan,” saad ni Sen. Imee.

Dagdag pa niya, "Ang problema, no'n ko pa sinasabi ko na 'yan, e. Isusunod talaga siya. Kahit nag-effort lahat ng kapatid. Lahat kami, nagpaulan diyan sa EDSA hanggang sa Liwasan."

Matatandaang binulaga ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang EDSA People Power Monument noong Hunyo 30 dahil sa kanilang “surprise rally” na ikinasa bilang suporta kay Sen. Rodante.

National

PBBM, gabinete tinalakay na ang proposed 2027 nat'l budget

Ito ay matapos ihayag ng Ombudsman ang nakatakdang pagsasampa ng kasong plunder sa naturang senador kaugnay sa umano’y tinanggap nitong ₱75-million campaign donation noong 2025 elections.

Maki-Balita: INC, nagtataka bakit kakasuhan si Marcoleta

Ngunit sa kabila ng tatlong-araw na rally ng INC, hindi pa rin nito napigilan ang pag-aresto ng mga awtoridad kay Sen. Rodante noong Hulyo 6.

Tumungo pa ang senador sa Sandiganbayan para sana sa motion to quash at pag-defer sa issuance ng warrants na isinagawa sa pamamagitan ng pagdinig.

Ngunit hindi ito pinaboran ng korte dahil may probable cause umano ang plunder case na kinahaharap niya ayon kay  Associate Justice Karl Miranda.

Maki-Balita: 'Palagi tayong nagpapasakop sa batas!' Sen. Marcoleta, tanggap pag-aresto sa kaniya!