July 15, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Epy Quizon, kinilala ride-hailing driver na nagbalik ng kaniyang phone

Epy Quizon, kinilala ride-hailing driver na nagbalik ng kaniyang phone
Photo courtesy: Epy Quizon (IG)

“People like you restore our faith in humanity.” 

Ito ang naging madamdaming pagkilala ng actor-director na si Epy Quizon, sa driver ng nasakayan niyang ride-hailing app, matapos nitong ibalik ang naiwan niyang phone sa loob ng sasakyan. 

Sa Instagram post ni Epy noong Biyernes, Hulyo 10, ikinuwento niyang halos tatlong oras na siyang nakababa sa sinakyang Grab, dito pa lamang niya napagtantong nawawala ang kaniyang phone. 

Sa mga oras na ito, wala raw ibang paraan upang matawagan ang driver na kinilala ni Epy bilang si Jhun Diaz. 

Gayunman, sinubukan ng anak at partner niyang tawagan ang phone, kaya ilang minuto lamang ang nakalipas, nabalikan sila ni Jhun upang maiabot ang phone ni Epy. 

Tsika at Intriga

Hula kay Bea Alonzo sa tarot cards tungkol sa kasal niya, nagkatotoo?

Saad ni Epy, sa pangyayaring ito, ang pinakamaaalala niya ay ang ngiti ni Jhun habang ibinabalik ang phone sa kanila. 

Aniya pa, walang bahid ng pagkainis o pagkairita, tanging saya sa pagtulong.

“What I’ll remember most wasn’t just that he gave my phone back—it was the smile on his face. There was no annoyance, no irritation about the inconvenience. Just genuine happiness that he could help,” pagbabalik-tanaw ni Epy.

Pagtatanto pa ni Epy, ang ganitong “acts of honesty” ay nararapat lamang na ipagdiwang. 

“Acts of honesty like this deserve to be celebrated,” pagkilala ng aktor sa naging katapatan ni Jhun.

Sa pagtatapos ng post, pinasalamatan ni Epy si Jhun sa kaniyang kabutihan, integridad, at pagiging maawain. 

Saad pa ni Epy, ang mga taong tulad ni Jhun ang dahilan upang maibalik ang kanilang paniniwala sa kabutihan sa iba. 

“Thank you, Mr. Jhun Diaz, for your kindness, integrity, and compassion. People like you restore our faith in humanity. ,” pagkilala ni Jhun.