Binatikos ni Sen. Ping Lacson ang umano’y paulit-ulit na pagkakataon kung saan ang ilang politikong nahaharap sa kaso o inaresto ay agad na na-oospital kasabay ng paglabas ng warrant of arrest o contempt order laban sa kanila.
Sa isang panayam sa radyo nitong Sabado, Hulyo 11, 2026, sinabi ni Lacson na matagal na umano niyang napapansin ang ganitong sitwasyon sa mga personalidad na sangkot sa mga kasong kriminal.
“Since time immemorial, when a prominent personality is cited in contempt or faces arrest, he/she suddenly gets sick and needs to be hospitalized,” ani Lacson.
Dagdag pa niya, “When the arrest warrant comes out, so does the medical condition – you name it – pneumonia, high blood pressure, high cholesterol levels. Some require neck braces, others have back pains. The diseases come out when the arrest warrant comes out.”
Ayon sa senador, marami na ring ordinaryong mamamayan ang nagbigay ng pansin sa naturang obserbasyon kaya’t ibinahagi niya rin ito sa kaniyang social media account noong Hulyo 8.
“This is the pattern that many ordinary Filipinos have brought to my attention, hence my recent post on X last July 8,” dagdag niya.
Partikular na tinukoy ni Lacson sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan at Sen. Rodante Marcoleta na kapwa nahaharap sa mga kasong plunder at graft.
“Bonoan was arrested and was confined in the hospital. Before that, we have seen big personalities who are confined in the hospital instead of being brought to jail. This is the pattern I have noticed,” ani Lacson.
Si Bonoan ay sumuko sa mga awtoridad noong Hunyo 1 kaugnay ng kinahaharap na ₱573 milyong graft at plunder case at kalaunan ay dinala sa ospital matapos makaranas ng hypertension. Pinayagan ng Sandiganbayan Fifth Division na manatili siya sa Philippine National Police General Hospital sa Camp Crame habang nagpapatuloy ang pagdinig sa kaso.
Batay sa pahayag ng kaniyang mga doktor, si Bonoan ay may ilang iniindang karamdaman kabilang ang chronic kidney disease at severe coronary artery disease.
Samantala, si Marcoleta ay inaresto noong Hulyo 6 matapos ibasura ng Sandiganbayan ang kaniyang motion to quash kaugnay ng ₱75 milyong plunder case laban sa kaniya. Dinala rin siya sa PNP General Hospital matapos umanong makaranas ng pananakit ng dibdib at mataas na presyon ng dugo.
Bukod sa kalagayan ng mga akusado, kinuwestiyon din ni Lacson kung sino ang sumasagot sa gastusin ng mga hindi miyembro o dependent ng Philippine National Police na nananatili sa PNP General Hospital.
“One issue is that the PNP-GH has its own budget, funded by taxpayers. Those authorized to be confined there are PNP members or their dependents. But who shoulders the costs for the stay and medication of Bonoan and Marcoleta? As far as I know, neither of them is a PNP dependent,” anang senador.
Ibinahagi rin ng senador na may mga pagkakataong hindi natatanggap sa ospital ang ilang pulis at kanilang mga dependent dahil sa limitadong pasilidad.
“There are PNP members who are denied admission at the PNP-GH. There are also times when its facilities admit those who are not PNP members or dependents. Who pays for their stay?” aniya.
Plano umano ni Lacson na ihain ang usapin sa pagtalakay ng panukalang 2027 budget ng Philippine National Police at Department of the Interior and Local Government upang malinawan kung sino lamang ang dapat makinabang sa serbisyo ng PNP General Hospital at kung sino ang dapat sumagot sa gastusin ng mga pasyenteng hindi kabilang sa mga awtorisadong benepisyaryo.