NANGUNA si Johnpaul Horteza ng Lapu Lapu, Cebu sa 10 finalists sa ginanap na Red Bull DIY Solo Competition kamakailan.
Ang top 5 participants ay pinili nina professional local skateboarders Jeff Gonzales at Demit Cuevas, habang si Asia at 2X SEA Gold Medalist at Olympic Hopeful Margielyn Didal ang magsasagawa ng final placement.
Ginapi ni Horteza ang kababayan na sina Trunks Manalo (2nd place) at Marvin Pescador (3rd place) gayundin sina Cesar Mancera (4th) at Kim Bonifacio (5th) ng Kidapawan, Mindanao
“Sa una palang, mahilig na ako sa skateboarding. Mahirap pero sulit din kasi natuto ako. Umulan o bumagyo - skate parin. Sa lahat ng sport, ito ang aking nagustuhan,” pahayag ni Horteza. “Hindi ko naasahan magpa-event ang Red Bull, so na-excite ako. Nag pa-video ako kaagad at solid din kasi nanalo po ako!”
Nitong September, kabuuang 17 skate crews sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang binigyan ng kani-kanilang budget at kagamitan para magpatayo ng kani-kanilang DIY skate spots. Ang naturang pasilidad ang kanilang ginami para magsagawa ng Solo Competition para maipalamas ang kanilang mga husay at galling.
“Red Bull DIY goes hand-in-hand with skating,” pahayag ni Demit Cuevas.
“From building something to skate on to doing tricks. For Red Bull DIY to shell out support not just to build one spot, but to spread the love for skateboarding around the nation is mind-blowing. There’s something for everyone who’s down to do it and it has brought so much exposure to different areas, while bringing people together. Everyone is hyped for the much needed support. It brought the sport closer to home.”
“Red Bull DIY gives a chance to local skaters to get creative and think outside the box,” pahayag naman ni Jeff Gonzales. “A lot of skaters are content with skating a small box and a rail. This gives them an opportunity to go beyond that. I’m sure these guys are hyped Red Bull is able to help out the skate community. It brings more life to the skate scene.”