MANILA ang lungsod na ibibida ng Chooks-to-Go Pilipinas Team sa Doha Masters ng 2020 FIBA 3x3 World Tour sa Nobyembre 20-21.

YORME! Iprinisinta ang Manila-TM Chooks-to-Go 3x3 basketball team kay Manila Mayor Isko Moreno (ika-apat mula sa kanan).

YORME! Iprinisinta ang Manila-TM Chooks-to-Go 3x3 basketball team kay Manila Mayor
Isko Moreno (ika-apat mula sa kanan).

Iprinisinta ni Bounty Agro Ventures, Inc. president at 3x3 patron Ronald Mascariñas ang koponan na binubuo nina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike, Santi Santilan at head coach Aldin Ayo kay Manila Mayor Isko Moreno nitong Lunes.

“The mere fact that we are being represented is an honor for every ‘Batang Maynila,” pahayag ni Mayor Moreno.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“By using Manila, you’re bringing honor to us. Dun pa lang, nanalo na kami,” aniya.

Tinanggap ni Moreno ang Chooks-to-Go jersey bilang simbolo ng pagkakaisa at determinasyon ng koponan na mangibabaw sa prestihiyosong torneo.

Ang Chooks-to-Go Pilipinas ang nakakuha ng sanctioned sa FIBA tournament. Kamakailan, idineklarang professional league ang Chooks 3x3 ng Games and Amusements Board (GAB).

“This time, we believed the Philippines should carry Manila, the capital, in international competition,” sambit ni Mascariñas.

“We’re confident we’ve gathered the best players that will represent the ideals of every Manileño.”

Ang pagbibinyag sa bagong 3x3x Team Philippines ay inaasahang magbibigay ng dagdag na inspirasyon at interes sa bagong head coach gayundin sa mga players na hindi matatawaran ang ranking sa 3x3 sa kasalukuyan. Si Munzon ang PH. No.1, kasunod si Pasaol, habang No. 5 si Rike, at No. 6 si Santillan.

“Maraming-maraming salamat sa inyo. Of course, winning the competition will be better, but we are already grateful you are representing the City of Manila in an international setting,” pahayag ni Moreno.

“Congratulations in advance,” aniya.