Masayaang cast ng GMA Afternoon Prime series na Bilangin ang Btuin sa Langit nang pagkatapos ng ilang buwan ng pandemya ay balik-trabaho na sila late last month of October. Sumunod sa mahigpit na health at safety protocols ang cast sa pagti-taping sa ilalim ng new normal. And it seems enjoy pa sila sa pagtatrabaho.

Kuwento ni Mylene Dizon, “ang dami-rami kong baong pagkain, because may mga bagay na hindi ko kinakain tulad ng baboy tsaka beef. Nagbaon na lamang ako bilang panigurado tsaka mga de lata.”

“For me, na-challenge naman ako sa mga eksenang kinukunan namin ngayon kasi napakabigat nung mga characters. Siyempre ‘yung cast din napakagagaling,” wika naman ni Yasser Marta.

Excited si Ina Feleo na muling makita at makatrabaho ang kanyang co-stars. “May excitement talaga bukod sa kaba dahil siyempre kailangan ng extra ingat ngayon. Ako personally, nai-excite ako talagang makita sila ulit.”

Tsika at Intriga

'Anyare sa mukha?' Yassi Pressman, hindi nakilala sa sariling TikTok video

Wala namang problema sa cast kung ilang araw man silang nagti-taping dahil may mga rest day naman sila, pero hindi sila pwedeng lumabas. Kaya may chance naman silang mamasyal within the vicinity ng bahay, dahil maganda ang location nila sa San Mateo, Rizal.

-Nora V. Calderon