Unti-unting nakakabangon ang entertainment field ng telebisyon at pelikula. Ganito din ang concert scene minus an audience. Apat ang ‘in the can’ na pelikula ng Heaven’s Best sa pamamahala ni Harlene Bautista. Ang mga ito ay ang tambalang Nora Aunor at Philip Salvador sa Isa Pang Bahaghari. Kasama sa cast si Michael de Mesa. Unang nagtambal ang dalawa sa Bona sa direksyon ng yumaong National Artist Lino Brocka.

Ang Fusion ay isang culinary comedy na ang bida at direktor ay si Hero Bautista. Pang Mother’s Day offering ang In the Name of The Mother. Ang ikaapat ay ang joint venture with GMA na launching movie nina Ken Chan at Rita Daniela.

Ang Heavens Best ang nag-produce ng critically acclaimed Rainbow’s Sunset which starred the late Eddie Garciaand Tony Mabesa (SLN) kasama si Gloria Romero.

-REMY UMEREZ
Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula