MAPAPANUOD na ang Chikahan with Kikay Mikay every Wednesday 5pm to 6pm sa BEST TV.
Kamakailan lang ay nauna ng inere ang entertainment show ng 2 bagets na at nagpapa- salamat sila kay Parish Priest ng Bagumbong na si Eduardo Molina sa pagpapaunlak ng kanilang interview para ma bigyan ng magandang advices ang mga viewers ng Chikahan lalo na sa panahon ngayon pandemic ika nga ni father na kapit lang at wag mawaalan ng pag asa sa Panginoon.
‘Di rin nagpa huli ang isang Teacher ng Almanza na verry energetic sa kanyang online class na si Teacher Maam Marites Paranal, at nakasama din nila si coach Ronie Golez, Ricky Regino at Jocshy Rengor.
Kabang- abang ang kanilang next episode this comming November 4 sa Best TV dahil makakasama nila si Jamela Myca Monron ang professional singer na isang biritera at di din pahuhuli si Ms. Hareeka Torres at marami pang ibang special surprises na guests.
Nagpapa salamat ang dalawang bagets sa kanilang mga viewers at sa minamahal nilang mga sponsors ng Best TV at Channel 31 Online na si Mr. Nel Talavera, Michael Villanueva at sa kanilang director na si direk Oilecic at bukod diyan ay may up- coming surprises din ang kanilang show na Yes Yes Yow na under Smac Production.
And in pernes, ha, mga dalagita na ngayon ang Kikay Mikay na makikita nyo naman dito sa kanilang latest picture. Puwede na silang ma-in-love or magkaron ng crush sa true lang. Yun na!
-MERCY LEJARDE