Magandang balita para sa mga commuters ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) dahil mas mapapabilis na ngayon ang kanilang biyahe matapos na dagdagan pa ng MRT-3 ang operating speed ng kanilang mga tren.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael J. Capati, mula sa dating 40 kilometer per hour (kph) noong Oktubre ay ginawa na nilang 50kph ang bilis ng takbo ng kanilang mga tren, simula nitong Nobyembre 2.

Nangangahulugan aniya ito na ang dating travel time mula sa North Avenue Station sa Quezon City hanggang Taft Avenue Station sa Pasay City, ay mababawasan na ng 10 minuto o mula sa dating isang oras at 15 minuto, ay magiging isang oras at limang minute na lamang.

Maging ang waiting time ng mga pasahero bago makasakay ng tren ay mababawasan rin mula sa dating walo hanggang siyam at kalahating minuto ay magiging mula apat hanggang minuto na lamang ngayon.

Tsika at Intriga

Vice Ganda, sinabing hindi kamangmangan tunay na kalaban ng edukasyon

-Mary Ann Santiago