May 22, 2026

Home BALITA

De Lima maghahain ng resolusyon para imbestigahan pagkasawi ng estudyante, journalist sa Negros

De Lima maghahain ng resolusyon para imbestigahan pagkasawi ng estudyante, journalist sa Negros
Photo Courtesy: Leila De Lima (FB), 3rd Infantry Division via MB

Naglabas ng pahayag si Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila De Lima kaugnay sa engkuwentro na nangyari sa Negros Occidental na ikinamatay ng 19 na miyembro ng umano’y New People’s Army (NPA), kabilang ang estudyanteng si Alyssa Alano at mamamahayag na si  RJ Ledesma.

Sa latest Facebook post ni De Lima nitong Sabado, Abril 25, sinabi niyang maghahain umano siya ng resolusyon sa Kamara para imbestigahan ang pagkasawi ng mga naturang indibidwal. 

“Beyond the question of whether the military operation was legitimate, there are serious allegations of violations that led to the deaths of 19 individuals, and we must investigate what truly transpired to find clarity and the truth,” saad ni De Lima.

Dagdag pa niya, “Maghahain po tayo ng resolusyon sa Kamara para agarang siyasatin at sagutin ang marami nating tanong sa insidenteng ito.”

Samantala, anang kongresista, bagama’t suportado umano niya ang mga militar sa pagkamit ng kapayapaan at kaayusan ng bansa, hindi niya pinahihintulutan ang karahasang hindi naman kinakailangan.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

“Ang tinitindigan po natin palagi ay ang katotohanan, hustisya at paggalang sa karapatan, dignidad at buhay ng ating mga kababayan,” pahabol pa ni De Lima.

Nanawagan naman na ang Human Rights Advocates of Negros ng isang masusing imbestigasyon kaugnay sa sinasabing sagupaan sa pagitan ng militar at rebeldeng grupo.

Maki-Balita: Human Rights advocates, nanawagan ng imbestigasyon sa operasyon ng militar kontra NPA sa Negros