HINDI na kailangan pang umalis ng tahanan para makasama ang tropa sa isang tsikahan at laro. Maipagpapatuloy ng mga tinaguriang ‘Gen Z Youth’ ang kanilang hilig at paglilibang sa pamamagitan ng Globe Prepaid Virtual Hangouts.
Ang pinakabagong platform na Virtual Hangouts ay may apat na maiaalok na online events na tiyak na kagigiliwan ng Gen Z youth, at tampok dito ang esports. Tinaguriang Go ESPORTS, ang naturang hangout ay magbibigay ng pagkakataon sa mga Pinoy gamers na makalahok sa online tournaments at apprenticeship workshops na magsisilbing tiket para mapabilang sa Philippine Team na sasabak sa Southeast Asian region meet at Super Gamerfest (SGF) 2020.
Ang SuperGamerFest (SGF) ay kakaibang live streamed online festival na nakatakdang isagawa sa December 5-6 at 11-13, 2020. Inilunsad ito nitong October 18. Nakapaloob sa SGF ang mga aktibidad tulad ng gaming tournaments, watch parties, interviews sa mga top esports personalities, workshops, behind the scenes training, at region’s first gaming and esports awards!
“It’s about all things gaming that we enjoy, and not stopping at just competition when it comes to us presenting esports in an engaging way,” pahayag ni Cindy Tan, Head of Business and Marketing ng Singtel’s International Group.
Tampok na programa sa SGF ang PVP Esports 2020 Community Championships na gaganapin sa Singapore. Apat na champion teams mula sa Ulti Cup, University Alliance Cup, at National Campus Open at kakatawan sa bansa laban sa matitikas na koponan sa Southeast Asia sa Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) at Valorant. Kabuuang US$ 100,000 cash ang nakataya sa toreneo.
Ang local qualifiers para sa Collegiate Cup ay gaganapin sa AcadArena, habang ang Globe Virtual Hangouts ang magsasagawa ng Ulti Cup na magsisilbing Philippine qualifier para sa PVP Esports Open Tournament ng MLBB at Valorant.
Bukas ang Globe Virtual Hangouts Ulti Cup sa professional at amateur gamers at nakataya ang kabuuang P300,000 premyo. Bukas ang pagpapatala hanggang until November 4 sa Globe Virtual Hangouts page.
“Globe has always been at the forefront of games and esports, providing Philippine gamers with access to the best games as well as building assets to improve the Philippine esports scene,” sambit ni DC Dominguez, Director for Games and Esports of Globe. “With the tournaments on the road to Super Gamer Fest, we’ll be sending Filipino representatives to compete at the Collegiate and Open divisions of the PVP Regional Finals. This will all be done through Globe Virtual Hangouts, which is helping us make these tournaments accessible to all kinds of viewers and gamers, may it be casual or hardcore fans.”
Para sa karagdagang impormasyon hingil sa UltiCup at SGF 2020, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/prepaid/ virtual-hangouts.