Good vibes sa netizens ang naging criteria ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa kanilang pa-”free popcorn” sa gaganaping watch party ng laban ni Pinay tennis player, Alex Eala kay Iga Swiatek ng Poland.
Saad ng MMDA sa kanilang Facebook post nitong Lunes, Hulyo 6, ang watch party para sa Wimbledon Round 4 match nina Eala at Paolini ay gaganapin mamayang 8:30 ng gabi sa Philsports Arena, Pasig City.
Ang mga nasabing criteria para sa libreng popcorn ay para sa mga manonood na mayroong: chubby cheeks, naka-ruffled socks, at naka-light up shoes.
Sa kasalukuyan, umani na ng 1.4K ang nasabing post, kung saan, maraming netizens ang natuwa at tila nais i-level up ang pagsakaya sa criteria.
“At sana kasama yun may costume na darna”
“Ayus yan para sa mga kids gusto manood dapat may kasamang juice din”
“Ang cuteee para sa mga kids”
“Naku baka pati mga tatay mag costume”
“Who's the sponsor? This is a good gesture. I hope the other LGUs will do the same.”
Sa kaugnay na ulat, ang mga criteria ay batay sa mga katangiang nabanggit ni Eala sa kaniyang post-match interview, kung saan, naikuwento niya ang pagsisimula niya sa paglalaro ng tennis.
“I went to train with my brother and my grandfather every day after school with my ruffled socks and my light up shoes, and my chubby cheeks,” pagbabalik-tanaw ni Eala.
Matatandaang naipanalo ni Eala ang kaniyang laro laban kay Swiater sa ikatlong round ng Wimbledon sa Centre Court noong Sabado, Hulyo 4.
Ito ang naitalang pinakamalayong narating ng isang Pinoy sa kasaysayan ng Wimbledon at kaniyang karera sa Grand Slam.
MAKI-BALITA: Alex Eala, rumatsada sa Wimbledon; pinabagsak defending champion!