Tulad ng maraming mga kuwento ng Filipino- American, pinangarap ng 28-anyos na si Ken Lucas Farnaso, na ang mga magulang ay nagmula sa Pilipinas, ang isang karera sa larangan ng medisina, ngunit dinala siya sa ibang linya ng tadhana. Siya ngayon ang deputy national press secretary para sa reelection bid ni incumbent President Donald Trump.

ken farnasco

Inihayag ng Trump Campaign ang “Asian Pacific American for Trump” nitong summer, na kinabibilangan ng mga indibidwal na may lahing Pilipino.

Nagtatrabaho behind the scenes upang matulungan na muling maihalal si Trump ay si Ken L. Farnaso na dati’y walang hilig sa politika. Nagtapos ng Human Biology, pinangarap niyang pumasok sa medical school tulad ng kanyang ina. Ngunit ang Diyos ay may iba pang mga plano. Sumali siya sa Trump Campaign matapos maglingkod bilang press secretary para kay US Senator Tim Scott, sa Capitol Hill.

Jomari Yllana, natapos na sa master's degree; Abby Viduya, super proud sa mister

“During President Trump’s first term, his unwavering leadership and successful economic policies built the strongest. At the end of the day, I hope that my fellowFil-Am will look at this election and consider issues,” lahad ni Ken.

“For those who share the same Filipino values passed to me by my parents Jun and Aida (nee Lucas) from Iloilo and Taguig respectively, I am confident that they will see that the only answer is for electing Donald Trump for a second term,” pagtatapos niya.

-DAISY LOU C.TALAMPAS