NAGSALITA na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ukol sa issue ng pinagdadaanang problema ng kanilang pamilya particularly sa kanyang bunsong kapatid na si Sarah Wurtzbach. M a t a t a n d a a n g naglabas ng maaanghang na salita last October si Sarah sa socmed laban sa kanyang inang si Cheryl Alonzo-Tyndall at sa kanyang kapatid na si Pia.

pia

Matitindi ang lumabas na salita na kinagulat ng mga netizens. Mga tanong na kung bakit umabot sa ganoon ang situwasyon. This time sa pamamagitan ng social media nagbigay na ng pahayag si Pia at ang kanyang ina. Ipinost ng una ang larawan ng kanilang pamilya. Ani Pia sa caption, “I’m sure a lot of you know that my family is going through some issues at the moment and most of it is posted online. This is a very hurtful time for our family. My sister, especially, had a very traumatic experience and I humbly ask everyone to be kind to her. We are trying to resolve our family issues privately and I ask for your support by not trying to put the blame on anyone and stop victim shaming. Please be mindful on your posts and comments to Sarah, mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon. Bilang anak at kapatid, napakasakit sa akin na makitang nagkakaganito ang mga taong mahal ko. Hiling ko na lang po sa inyo na isama nyo kami sa inyong mga dasal at sana mahanap na rin ng aming pamilya ang nararapat na healing. Sa panahon na ito, magpakita po tayo ng pagmamalasakit at pagmamahal sa isa’t isa. Maraming salamat po. Samantala naglabas na rin statement ang ina nila Pia sa kanyang vlog kasama ang kanyang husband na si Nigel. Part of the statement nakiusap si Cheryl na huwag siyang husgahan ng mga tao dahil ginawa niya ang lahat mapalaki lang nang maayos ang kaniyang mga anak. Nakaranas daw noon ng bullying sa school si Sarah at pati na ang mga naka-bad influence na mga kapitbahay ay isiniwalat ni Cheryl. Sa mga ganyang situwasyon nandodoon daw si Cheryl at si Pia para ipagtanggol ito. Umabot pa raw noon sa barangay sa Pasig para pag-usapan ang alegasyon ng droga sa anak ngunit itinanggi ito ni Sarah at tuluyan nang isinara raw ang kaso. Sa mga galit na inilabas sa socmed ni Sarah, sa dulo nito unawa at pagmamahal ang isinukli ng kanilang ina. Ani Cheryl, “That’s all I can say for now because I love my daughters. I don’t believe that she hates me so much. I know she loves me. I still believe that. I just want to believe it’s postpartum.”

-DANTE A. LAGANA
Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'