July 26, 2026

Home BALITA Politics

'Mas importante sa kanila sikmura!' SP Win, nagkomento sa mababang ratings ni PBBM!

'Mas importante sa kanila sikmura!' SP Win, nagkomento sa mababang ratings ni PBBM!
Photo courtesy: MB file photo

Naniniwala si Senate President Win Gatchalian na ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbaba ng approval at trust ratings ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

KAUGNAY NA BALITA: Bago ang 5th SONA: Trust rating ni PBBM, bumaba!—SWS

Ito ay matapos maglabas ng magkahiwalay na resulta ang dalawang kilalang polling firms na nagpapakita ng pagbaba ng satisfaction at trust ratings ng Pangulo, habang nananatiling positibo ang pananaw ng publiko kay Vice President Sara Duterte.

MAKI-BALITA: Tumaas ng +2! 58% ng mga Pilipino, kuntento pa rin kay VP Sara—SWS 

Sa isang radio interview nitong Sabado, Hulyo 25, 2026, sinabi ni Gatchalian na higit na nararamdaman ng mga mamamayan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, lalo na sa gitna ng pagmahal ng produktong petrolyo at enerhiya noong mga nakaraang linggo.

Politics

Rep. Ace Barbers, binanatan magkapatid na Cayetano

“Direct hit sa sikmura ng tao. Ako naniniwala, ang tao, mas importante sa kanila sikmura kaysa sa politika. So ‘yon ang dapat na focus ng pangulo,” anang Senate President.

Ayon pa kay Gatchalian, nakaapekto rin sa takbo ng ekonomiya ang paghina ng paggastos ng pamahalaan sa mga proyektong pang-imprastraktura, na aniya'y bunsod ng mga kontrobersiya kaugnay ng umano'y katiwalian.

“‘Pag nagkakaroon ng ganitong massive corruption, ang knee-jerk reaction ng gobyerno, huwag gumastos. Kasi takot lahat,” dagdag pa niya.

Sinabi ng Senate President na mahalagang mapabilis muli ang paggasta sa mga proyektong pang-imprastraktura upang muling mapasigla ang ekonomiya.

Gayunman, iginiit niyang dapat itong samahan ng mga reporma upang matiyak na hindi na mauulit ang mga alegasyon ng iregularidad, kabilang ang isyu sa mga flood control projects.

Dagdag pa niya, inatasan na nila ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Budget and Management (DBM) na tiyaking malinis na ang panukalang budget bago ito isumite sa Kongreso.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakasundo ang Senado at Kamara noong 2025 kaugnay ng panukalang badyet ng DPWH, matapos igiit ng Senado ang pagbabawas ng ₱45 bilyon dahil sa umano'y labis na halaga ng ilang proyektong pang-imprastraktura. Kalaunan ay inamin ng DPWH na hindi sapat ang ilang datos na naging batayan sa panukalang budget.

Inaasahan din ni Gatchalian na tatalakayin ni Pangulong Marcos ang mga kinakailangang reporma sa kaniyang nalalapit na State of the Nation Address (SONA).