Mga Laro Ngayon

(AUF Gym-Angeles City, Pampanga)

10:00 n.u. -- Rain or Shine vs NLEX

1:00 n.h. -- Blackwater vs Meralco

19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2

4:00 n.h. -- Magnolia vs TNT

6:45 n.g. -- Northport vs Barangay Ginebra

NAGAWANG makabawi ng San Miguel Beer mula sa mabagal nilang panimula matapos ungusan ang Blackwater,90-88 sa overtime kahapon sa unang laro sa kasaysayan ng PBA na idinaos sa umaga para sa ika-4 na sunod nilang panalo sa ginaganap na 2020 PBA Philippine Cup restart sa Angeles University Gym sa Pampanga.

Muling nagtala ng double-double 26 puntos at 14 rebounds si Mo Tautuaa upang pamunuan ang defending champion Beermen sa pag-angat sa markang 5-2.

Inamin ni SMB coach Leo Austria na kinailangang mag-adjust ng kanyang team sa paglalaro ng umaga mula sa nakagawiang hapon o gabi.

“Good thing the players responded,”ani Austria na naghahangad na makamit ang kanilang ika-6 na sunod na Philippine Cup title. Nagsalansan si Chris Ross ng limang dikit na puntos upang burahin ang apat na puntos na bentahe ng Elite at agawin ang kalamangan, 89- 88, may 1:14 pang nalalabi sa oras.

Mula doon naglatag sila ng matinding depensa na nagresulta sa pagkabigo ng tatlong sunod na attempts nina Mike Tolomia, Ron Dennison at Don Trollano upang maangkin ang panalo. Bunga ng pagkabigo, nalaglag ang Blackwater na naglarong wala sina Paul Desiderio at Mac Belo dahil sa injury sa kartadang 2-4 karta.

-Marivic Awitan