NAPILI rin para mapasama sa Gilas Pilipinas training bubble sa Calamba, Laguna sina collegiate stars Dave Ildefonso at Calvin Oftana bilang bahagi ng kopona na sasabak sa FIBA Asia Cup qualifiers.

Kinumpirma nina Ildefonso at Oftana na maaring makasama sila sa Gilas training pool para sa November window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Manama, Bahrain.

Kabilang ang dalawa sa dekalidad na collegiate players sa kasalukuyan at kapwa bihasa sa international tourney.

Naging NCAA Season 95 MVP naman ang 24-year-old na si Oftana at nakilala bilang leader ng San Beda basketall team na natalo sa Letran sa season finals.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

May natitira pang isang taon ang 6-foot-4 forward mula Dumaguete para sa kanyang collegiate career sa Red Lions.

Sa ngayon, ang kumpirmadong pasok sa Gilas at lalahok sa Calamba bubble ay sina Gilas cadet members Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, magkapatid na Matt at Mike Nieto, at Jaydee Tungcab.

Hinihintay pa ng Samahang basketball ng Pilipinas (SBP) ang kompirmasyon para sa pagsasanay ng Gilas mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases.