BONGGA si Kapuso actress Sanya Lopez, sino ba naman ang hindi magpapasalamat dahil napaka-blesssed niya sa sunud-sunod na guestings niya sa mga shows sa GMA Network., heto at may dalawa siyang bagong proyekto na sisimulan. Biro tuloy kay Sanya, mukhang siya ang favorite leading lady ngayon sa network.

sanya

Matapos na siya ang napiling katambal ni Kapuso actor Gabby Concepcion sa romantic-comedy series na First Yaya, na malapit nang magsimula ng lock-in taping nila, heto at may announcement na rin na magsisimula na ang taping ng Agimat ng Agila ni Senator Bong Revilla, na noon pa nag-announce na si Sanya ang kanyang napiling leading lady. Ito raw ang ipapalit sa Daig Kayo Ng Lola Ko, every Sunday.

“I’m very happy na binigyan ako ng GMA ng opportunity na talagang mai-partner sa dalawang mahuhusay na actor,” sabi ni Sanya nang ihayag niya ang feelings niya tungkol sa dalawang proyektong gagawin. “Siguro ay gagalingan ko na lamang ang acting ko dahil dalawang mahuhusay na actor ang makakatambal ko.”

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Sa interview ng 24 Oras kay Sanya, naitanong kung hindi ba problema kung magkakasabay ang taping niya ng dalawang proyekto?

“Ipapabahala ko na lamang sa dalawang production kung paano ang magiging schedule ko ng taping. Ipapangako kong gagawin ko ang best ko para hindi ako mapahiya sa kanila.”

-Nora V. Calderon