MAY pamagat na Love You Stranger ang title ng mini-series na pagtatambalan ng real life couple na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia to be produced by GMA Public Affairs. Wala pang ibang detalye sa nasabing project, gaya ng kung sino ang iba nilang makakasama, sino ang director at kung kailan ang airing.

khalil at gabbi

Pero malamang next year na mapapanood ang Love You Stranger dahil paghahandaan pa ng husto ang mga kakailanganin.

Nakakatuwa ang reaction ng dalawa sa sorpresa sa kanila dahil habang nasa GMA Network sila, may ibinigay na envelope kay Gabbi na nang kanyang buksan, sample poster ng Love You Stranger ang nakalagay. Clueless pa rin ang dalawa hanggang sabihin sa kanila na ‘yun ang title nang gagawin nilang mini-series.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Sabi ni Gabbi, “Love You Stranger” soon on GMA! Our first ever teleserye together, @khalilramos. My heart is full and I’ll always be grateful! Let’s do this, Bub!!”

-Nitz Miralles