Tiyak na ipinagmamalaki ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel ang kambal nilang sina Mavvy at Cassy, lalo na si Cassy na masinop sa perang kinikita niya, na payo raw ito sa kanya ng mga magulang nila.

“Hindi ako ma-splurge o mahilig bumili ng mga designer brands, I’m a super saver,” kuwento ni Cassy sa isang panayam sa kanya.

“Kaya I share shoes with my mom, kahit ang kanyang mga handbags, hinihiram ko. Why would I buy? Mayroon namang branded si momy. Yeah, borrow, borrow na lang.”

Wala naman daw nakikitang masama ang kakambal niyang si Mavy na paminsan-minsan ay maglabas siya ng pera.

Tsika at Intriga

Kumpirmado: Troy Montero, may kumalat ngang maselang video

“When I was making money na out of my own work, siyempre save muna,” sabi naman ni Mavy. “Para sa akin nakakatulong din ito para lalong ma-motivate sa trabaho. Yung, you feel na you need to reward yourself kumbaga.”

Masaya si Cassy na magsisimula na siyang mag-taping ng first teleserye niya, ang First Yaya, at may isa pang blessing na dumating sa kanya, nang mapili siya ng MAC Philppines na ipakilala niya ang mga produktong iniendorso ng kanyang idolo na Lisa Manoban ng grupong BlackPink, dito sa bansa.

“Just hearing abut this, I cried when MAC called and said, ‘hey you want to present a super nice collection that you like?’ They didn’t tell me what it was. I was shootk... who wouldn’t want to have Lisa’s makeup?” say pa ni Cassy.

-NORA V. CALDERON