ILANG months na lang at manganganak na ang Kapuso singer na si Aicelle Santos-Zambrano na ngayon ay halos nasa 32 weeks na ang pagdadalang tao. Puspos ang paghahanda nilang mag-asawang si Mark Zambrano para sa kanilang first baby.

aicelle at mark

Hindi nag-atubili si Aicelle na ipakita recently ang kanyang hubad na malaking tiyan na naka-black and white photo at ipinost sa kanyang Instagram. Aniya, “Big big belly #30weeks #amazinggrace”Namangha naman ang kaibigan ni Aicelle, ang komedyanteng si Chariz Solomon sa komento nito na ang laki naaaa. Tugon naman ni Aicelle, “yes mama cha. Hirap na kami bumangon!”Naku, huh! Mukhang malaking bata ang isisilang ni Aicelle. Kaya naman ang dalangin ng mag-asawa ay maging normal at healthy ang panganganak ni Aicelle. Infairness sa anak nila mukhang matakaw daw ang baby nila nung makita sa ultrasound scan video. Labis silang nagpapasalamat at nagiging emosyonal everytime na pinapanood nila ang scan video ng anak nila na isang blessing ni God para sa kanila.Kamakailan, ipinost naman sa Instagram ng loving husband ni Aicelle ang resulta ng ultrasound ng kanilang anak. Ramdam ang pagpapakatatay sa tinuran ng sports commentator. Ani Mark, “We haven’t met but I already feel your strong spirit anak. I haven’t held you in my arms yet but I already know how athletic you will be with your strong kicks.“Seeing your puffy cheeks and cute little fingers and toes makes me want to jump ahead through time so I can hold you and show you all the beautiful things our world still has.“Till then stay strong in there anak. Daddy loves you. More than any love I’ve ever known.”Naks, ang sarap naman pakinggan nitong mga salita galing sa isang nagmamahal na ama para sa kanyang panganay na anak. Yun na!

-DANTE A. LAGANA
Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula