Nagpatiwakal ang isang guro sa isang pampublikong paaralan sa Leyte matapos umanong ma-depress nang mahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dalawang anak sa Dulag ng nasabing lalawigan, kahapon ng umaga.
Sa report ng Dulag Municipal Police Station, natagpuan ng asawang lalaki ang bangkay ng 47-anyos na misis sa kanilang bahay, dakong 6:00 ng umaga.
Sa pahayag ng mister nito na isa ring public school teacher, sa pulisya, nakausap pa niya ang asawa nitong gabi ng Biyernes kaugnay ng pagkahawa ng kanilang anak na lalaki at babae sa COVID-19. Hindi rin aniya nakatutulog ang misis nito sa nakalipas na dalawang araw mula nang malaman na positibo sa virus ang dalawang anak. Gayunman, nagsasagawa pa rin ng masusing imbestigasyon ang pulisya kaugnay ng insidente.
-MARIE TONETTE MARTICIO