Hindi libre sa lahat ang bakuna sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang mulng pahayag ng Malacañang na sa sandaling magkaroon na ng nasabing bakuna ay hindi ito libre para sa lahat. Idinahilan ni Presidential spokesperson Harry Roque, tanging ang uunahing mabigyan ng libreng bakuna ay ang mga pinakamahihirap lamang habang ang mga may kakayahan namang makapagbayad ay hindi kasama sa free vaccination.
Gayunman, siniguroini Roque na ang gagawing pag-aangkat ng bakuna ay laan para sa lahat at hindi lamang para sa mahihirap.
Beth Camia