Ang tinedyer na anak ni Donald Trump na si Barron ay nahawaan ng coronavirus, inihayag ni First Lady Melania Trump nitong Miyerkules sa isang nakakagulat na balita na nagpapahiwatig kung gaano kahirap para sa Republican president na mailayo ang atensiyon mula sa coronavirus pandemic sa huling yugto ng kanyang laban para muling maihalal.

Isinulat ni Melania Trump sa isang pahayag na pagkatapos nilang mag-positibo na mag-asawa sa COVID-19 test dalawang linggo na ang nakalilipas, “Naturally my mind went immediately to our son.”

Sinabi niya na ang 14 na taong gulang, na pumapasok sa isang pribadong paaralan malapit sa Washington, ay hindi nakaranas ng mga sintomas at nag- negatibo na sa test.

“Barron Trump, you know, he had the Corona 19,” sinabi ni Trump nitong Miyerkules ng gabi sa isang rally sa Iowa. “He had it such a short period of time I don’t even think he knew he had it.”

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

AFP