May 13, 2026

Home BALITA Internasyonal

'The Iranian crew refuse to listen!' US, inatake cargo ship ng Iran

'The Iranian crew refuse to listen!' US, inatake cargo ship ng Iran
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, Iranian Force (X)

Inatake ng United States (US) Navy ang isang cargo ship na may bandila ng bansang Iran matapos umano itong hindi sumunod sa babala nila sa gitna ng karagatan. 

Ayon sa naging pahayag ni US President Donald Trump sa kaniyang Truth Social account nitong Lunes, Abril 20, 2026, sinabi niyang namataan daw ng US navy ang isang cargo ship ng Iran na nagngangalang “TOUSKA”. 

“Today, an Iranian-flagged cargo ship named TOUSKA,” pagsisimula niya.

Screenshot mula sa post ni Trump

Ani Trump, sinubukan daw ng nasabing cargo ship ng Iran na lumampas sa Naval Blockade nila kaya nagsimulang maging komplikado ang sitwasyon.

Internasyonal

24 tripulanteng Pinoy ng MV Hondius, sasailalim sa 42-day quarantine sa The Netherlands

“[N]early 900 feet long and weighing almost as much as an aircraft carrier, tried to get past our Naval Blockade, and it did not go well for them,” aniya. 

Pagpapatuloy niya, nagawa pa raw magbigay ng babala ng US navy sa cargo ship ng Iran para tumigil ito at huwag lumampas sa kanilang blockade.

“The U.S. Navy Guided Missile Destroyer USS SPRUANCE intercepted the TOUSKA in the Gulf of Oman, and gave them fair warning to stop,” ‘ika niya. 

Anang Pangulo, hindi raw nakinig ang naturang cargo ship kaya napilitang umatake ang US navy at binutas nila ang engine room ng TOUSKA.

“The Iranian crew refused to listen, so our Navy ship stopped them right in their tracks by blowing a hole in the engine room,” saad niya. 

Pagpapatuloy ni Trump, kasalukuyan na raw na nasa kustodiya nila ang nasabing cargo ship ng Iran. 

“Right now, U.S. Marines have custody of the vessel. The TOUSKA is under U.S. Treasury Sanctions because of their prior history of illegal activity. We have full custody of the ship, and are seeing what’s on board!” pagtatapos niya. 

Agad naman na naglaban ng pahayag at tugon ang Iranian Force sa kanilang “X” account matapos ang insidenteng ito at sinabi nilang malinaw na nilabag ng US ang napagkasunduan nilang tigil-putukan.

“Attack on Iranian merchant ship in Arabian Sea violates ceasefire,” anang Iranian Force.

Buwelta pa nila, “US forces fired on an Iranian merchant ship in the Arabian Sea, disabling its navigation system.” 

KAUGNAY NA BALITA: Iran, dedma na sa 'peace talks' sa US!