PATI si Angel Locsin, nakapag-comment ng “Grabe ang collection” na ang tinutukoy ay ang Watch Collection ni Sharon Cuneta na mapapanganga ka na lang sa dami, mamahalin, at puro branded.

sharon

Kinailangan nga ng part two ng kanyang “My Watch Collection” sa kanyang vlog sa rami ng kanyang collection. May grupo ng fans si Sharon na inalam ang presyo ng watch collection ni Sharon at mapapa-“sana ol” ang mga gaya nating hindi kaya ang ganun kamamahal na relos.

May relos si Sharon na worth P2.2M, may P1.3M, may binili siyang worth P257,250. Nabanggit din nito na may binili siyang relos na that time na kanyang binili ay nag-iisa lang sa mundo, hindi niya sinabi ang presyo at ang sinabi lang ay pinakamahal sa lahat ng kanyang collection.

Tsika at Intriga

Nakaranas ng binat: Kylie Padilla, apektado sa nanay na sinunog 3 anak

Mahilig talaga sa watch si Sharon dahil sabi niya, she swims with her watch on at may nabanggit pang kailangang lagi siyang may suot na relos.

Samantala, ang husay din palang kumanta ng bunsong babae nina Sharon at Sen. Kiko Pangilinan na si Miel nang kantahin ang High School Life nang mag-guest sina nina Sharon at Frankie Pangilinan sa Gabay Guro. Tama si Sharon, kaboses niya si Miel noong i-record ang nasabing kanta.

-NITZ MIRALLES