MAY pa-initial house tour si Vice Ganda sa kanyang bahay na malaki, maluwang, at may swimming pool, dumbwaiter, big dirty kitchen, rooms for the kasambahays, driver, at security personnel. Higit sa lahat, may elevator pa. At ang chandelier, ang gaganda at ang lalaki, ang biro ni Vice, pantakip sa matiritang ulam ang chandelier.

Under construction pa ang bahay, hintayin natin ang pa-house tour ni Vice kapag tapos na tapos na ang bahay, nakalipat na siya at doon na nakatira.
Sa kanyang YouTube video, nabanggit ni Vice na binili niya ang property five years ago para sa kanyang grandfather. Pero, pumanaw ang lolo ni Vice at hindi na rin ibenenta ni Vice ang property at sa halip, pinatayuan ng bagong bahay. Humanga ang mga kaibigan sa showbiz ni Vice sa laki at ganda ng kanyang bahay at hangang-hanga ang netizens. Ang yaman na raw talaga ni Vice at afford na afford magpatayo ng malaking bahay.
-Nitz Miralles