Shockedang beauty ng Broadway star na si Lea Salonga nang malaman ang tungkol sa mga mali-maling modules ng Department of Education (DepEd).
Nauna nang nireklamo ng ilang netizensang malalaswang modules mula sa isang printing press sa Zambales.
At nitong weekend, isa na namang pagkakamali sa modules ang iniulat sa DepEd, gaya ng larawan ng owl o kuwago na tinukoy bilang ostrich.
Bilang isang mamamayang Pinoy na nagmamalasakit, dismayado si Lea sa mga pagkakamaling ito sa modules na inaaral ngayon sa elementarya.
Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Lea ang kanyang pagkadismaya.
“For the love of....... there aren’t enough curse words in my vocabulary for this s***!!! THAT IS ANOWL, YOU IDIOTS!!!” himutok ni Lea.
Pinuna rin niya ang isang maling turo sa module na nagsasabing, “L is for rabbit.”
“This might be never-ending. Excuse me, Ineed to gouge out my eyes. QUE HORROR!!!”, sambit ni Lea.
Nagulat din siya sa isang pagsusulit sa module kung saan tinanong ang mga estudyante na i-match ang mga krayola sa tamang pangalan, dahil wala namang kulay ang mga ito.
“Okay for those of you that don’t understand Filipino, that means, ‘Match each crayon to its correct name. Ais violet, B is blue, Cis green, D is red, and E is yellow.’ HOW, HA? HOW? TELL ME, HOOOOOOOOW???” sey pa niya.